Mahigpit nang mino-monitor ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) -Regional Office 2 ang epekto ng Bagyong Florita sa Region 2.
Tatlong probinsya na ang apektado kung saan 168 pamilya at 593 indibidwal ang naiulat na apektado.
Nagbukas na ng siyam na evacuation center para magsilbi sa mga lumikas na pamilya at indibidwal.
Ayon kay DSWD Officer-in-Charge Regional Director Celso Arao Jr., naka-standby rin ang mga tauhan ng ahensya at handang mamahagi ng mga relief goods at iba pang tulong sa mga Local Government Unit (LGU) kung kinakailangan na.
Sa ngayon may kabuuang 22,982 family food packs ang nakahanda na para sa distribusyon gayundin ang 5,610 non-food items.
Nagpapatuloy pa rin ang re-packing ng mga karagdagang relief goods, sa tulong ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army at iba pa.