Hindi pa masyadong ramdam sa ngayon ang epekto ng sunod-sunod na oil price hike pagdating sa presyo ng mga gulay.
Pero sa kabila nito, malaking epekto naman sa pagtaas ng presyo ng mga gulay ang nagdaang Bagyong Maring na nag-iwan ng higit P2 bilyong pinsala sa sektor ng agrikultura.
Sa interview ng RMN Manila, inihayag ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Noel Reyes na bagama’t may mga iba pang lugar na mapagkukunan ng supply ng gulay ay hindi maiiwasang tumaas ang presyo nito lalo na pagdating dito sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P2.17 billion na ang naging pinsala ng bagyo kung saan pinakanasalanta rito ang bahagi ng Ilocos Region.
Facebook Comments