Epekto ng bakuna, ramdam na sa San Juan City

Naniniwala si San Juan City Mayor Francis Zamora, na epektibo ang lahat ng bakunang nasa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng alkalde na sa 909 ang active cases sa lungsod ay wala pang 1% ang tinamaan ng severe at critical cases.

Karamihan aniya ng mga tinatamaan ng COVID-19 na bakunado na ay nauuwi sa asymptomatic, mild at moderate cases.


Sa ngayon umaabot na sa 181,896 ang nabigyan na ng 1st dose habang nasa 132,080 naman ang mga fully vaccinated na.

Ayon pa sa alkalde ang bilang na ito ay 149.34% mula sa kanilang 88,443 o 70% ng target population.

Nabatid na ang San Juan City ang isa sa mga lungsod dito sa Metro Manila na unang nakakamit ng population protection.

Facebook Comments