Epekto ng climate change, nararamdaman na sa bansa ayon sa PAGASA

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change.

Ito ang inihayag ni Rosalina De Guzman, hepe ng climate change data ng PAGASA sa Laging Handa briefing.

Aniya, kabilang sa mga epektong ito ay ang mataas na temperatura, malalakas na pag-ulan, tumataas na sea level ng tatlong beses sa global average na pwedeng magdulot aniya ng pagtaas din ng alon sa karagatan na makaaapekto sa mga residente sa mga baybaying dagat.


Sinabi nito na batay rin sa mga pag-aaral at sa nararanasan na sa mga nakalipas na panahon, nabawasan ang mga bagyo, ngunit mas malalakas na ito sa 70km per hour.

Sinabi ni De Guzman na kapag hindi naaksyunan ang problema o epekto ng climate change, ang projection nila ay mas tataas pa ng 4 degrees centigrade ang temperatura sa bansa pagsapit ng 2050 o pagtatapos ng 21st century, habang ang mga bagyo ay mas lalakas pa at magpapatuloy ang pagtaas ng tubig sa karagatan.

Facebook Comments