Epekto ng ECQ noong Holy Week, ilalabas sa susunod na dalawang linggo – DOH

Ilalabas ng Department of Health (DOH) sa susunod na dalawang linggo ang naging epekto ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat pang lalawigan nitong nakalipas na Semana Santa.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, patuloy pa rin na tumataas ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases at umaasa sila na sa ipinatupad na ECQ ay bababa na ang bilang.

Aniya, pinakamahalaga ngayon ay mapagbuti ang kapasidad ng mga ospital at ang paggamot sa mga pasyente.


Kasabay nito, dinipensahan ni Vergeire ang ipinatupad na dalawang linggong ECQ na hindi naman dapat sabihin na walang naging saysay ang naging hakbang ng gobyerno.

Matatandaang sinabi ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) na hanggang ngayon ay walang malinaw na plano ang gobyerno para tugunan ang kasalukuyang krisis pangkalusugan sa bansa.

Facebook Comments