Nananatiling kontrolado pa rin ang epekto ng El Niño sa bansa.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Edgar Posadas, naaagapan pa ang sitwasyon pero hindi aniya sila nagpapakampante.
Aniya, nagpasa na ang mga Local Government Unit (LGU) ng kopya ng kanilang respective resolutions para tugunan ang problema sa tagtuyot.
Sabi pa ni Posadas, magkakaroon sila ng full council meeting sa ika-20 ng Marso kaugnay na rin ng matinding epekto ng tagtuyot.
Matatandaang apat na lalawigan na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Kinabibilalangan ito ng Zamboanga City, Alamada, Pikit at Aleosan sa Cotabato.
Facebook Comments