Kinakailangan paghandaan ang panahon ng tag-init dahil sa posibleng epekto ng El Niño phenomenon.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Dr. Sevillo David Jr., ng National Water Resources Board na sa kasalukuyan ay mayroong sapat na supply ng tubig.
Ngunit dahil sa inaasahang El Niño, maaaring maapektuhan ang supply nito, hindi lang sa Metro Manila higit sa mga sakahan.
Kaya naman nagbigay na aniya ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa paglikha ng Water Resource Management Office.
Ang WRMO ang mangangasiwa sa pakikipag-ugnayan ng mga ahensya na may kaugnayan sa tubig.
Facebook Comments