Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magiging maliit lamang ang epekto ng El Niño sa economic growth ng bansa at sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ayon kay NEDA Chief, Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia – tanging sektor ng agrikultura lamang ang pinaka-apektado ng tagtuyot.
Gayumpaman, may kaunting epekto pa rin ito sa Gross Domestic Product (GDP).
Sinabi naman ni NEDA Assistant Secretary for Planning and Police Carlos Bernardo Abad Santos – tinatayang matatapyasan ng 0.2% ang full-year GDP ng bansa dahil sa El Niño.
Dagdag pa ni Abad Santos – ang pagpapatupad ng rice tariffication law ay iniibsan ang inflationary impact ng nararanasang panahon.
Tiniyak naman ni NEDA Undersecretary Adoracion Navarro – na may “holistic” at “proactive”measures ang pamahalaan para mapagaan ang epekto ng El Niño.
Tiwala ang NEDA na ang inflation rate naman ay mananatili sa pagitan ng dalawa hanggang apat na porsyento ngayong taon sa kabila ng tag-tuyot.