Epekto ng El Ñino sa energy sector, patuloy na pinaghahandaan ng DOE

Nakatutok na rin ang Department of Energy (DOE) sa banta ng El Niño maging sa power sector ng bansa.

Ayon kay DOE Sec. Raphael Lotilla na kasama sa binabantayan ang sapat na suplay ng kuryente lalo’t posibleng tumaas ang demand dahil sa El Niño phenomenon, pinatitiyak na nito na ang mapapagana ang iba pang alternatibong pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Kabilang dito ang coal power plant, ang aangkating liquified natural gas (LNG) para mapunan ang inaasahang kakulangan sa suplay.


Dagdag pa nito, lahat ng available na planta ay maaari namang magamit maging ang hydroplant kahit nararanasan ang tagtuyot.

Facebook Comments