Naka-alerto ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa implikasyon sa ekonomiya ng Pilipinas ng Ukraine-Russia conflict.
Ayon sa BSP, inaasahan na nila ang epekto nito sa mga presyo ng international commodities tulad ng langis at trigo.
Maaari rin anilang maka-apekto ito sa global trade at investment.
Sa kabila nito, tiniyak ng BSP na sinusuportahan nila ang fiscal interventions ng pamahalaan upang maibsan ang mas matinding epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments