Epekto ng inflation sa mga mahihirap, gumaan nitong Hunyo

Humina ang epekto ng inflation nitong Hunyo sa low-income families.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 4% ang inflation rate para sa mga mabababa lamang ang kita.

Mababa ito kumpara 6.7% noong June 2018 at ito ang pinakamabagal sa loob ng 18 buwan.


Napansin ang mabagal na pagtaas ng presyo sa bigas, dairy products, isda, prutas, gulay at karne.

Nakitaan din ng mabagal na pagtaas sa presyo ng langis, kuryente at tubig.

Lahat ng rehiyon sa bansa ay nakaranas ng mabagal na inflation, maliban sa Mimaropa.

Facebook Comments