Epekto ng La Niña, nabawasan na ng 60%; mga bagyo, patuloy pa ring tinututukan ng pamahalaan

Nakaalerto pa rin ang pamahalaan sa mga paparating pang bagyo sa bansa.

Ito’y kahit pa pahupa o pabawas na ang La Niña ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Spokesperson for Natural Calamities and Disasters Joey Villarama, 60% na ang nababawas sa occurrence o anumang kaganapan na may kaugnayan sa La Niña.


Gayunpaman, posibleng tumagal pa rin aniya ito bago matapos ang taon at sa unang quarter ng 2025.

Ibig sabihin, hindi pa rin dapat magpakakampante at sa halip ay dapat pa ring maging alerto dahil umiiral pa rin ang La Niña sa bansa.

Tiniyak naman ni Villarama na hindi pa rin inaalis ng pamahalaan ang ginagawa nitong mga paghahanda sa La Niña lalo’t tiyak aniyang may mga bagyo pang papasok sa bansa.

Facebook Comments