Epekto ng Luzon-wide ECQ sa suplay ng kuryente at sa electric bill ng consumers, sisilipin ng Senado

Sisilipin at pag-aralan ng Senado ang epekto sa suplay ng kuryente at sa bayad para sa pagkonsumo nito habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong Luzon.

Ang nabanggit na pagdinig ng Senado ay itinatakda ng Senate Resolution No. 261 na inihain ni Committee on Energy Chairman Senator Sherwin Gatchalian.

Tinukoy sa resolusyon ang utos ng Energy Regulatory Commission na gawing hulugan ang bayad para sa mga nakonsumo sa kuryente habang may ECQ.


Ayon kay Gatchalian, sa implementasyon ng ECQ ay bumaba ang transport, industrial, at commercial activities sa bansa na nagresulta sa pagbaba sa konsumo ng kuryente.

Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang pagbagsak sa konsumo ng kuryente at pagtigil sa pagbabayad ng mga sagutin ng distribution utilities ay maaring makaapekto sa operasyon ng mga generation companies o ng mga kumpanyang nag-po-produce ng kuryente.

Facebook Comments