Mararamdaman ang epekto ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit probinsya sa mga susunod na linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang incubation period ng sakit ay umaabot ng 14 na araw kaya kailangang hintayin kung mayroong epektibo ng pagpapatupad ng mahigpit na lockdown.
Ang iba pang indikasyon ng matagumpay na pagpapatupad ng MECQ ay ang kaalaman at pagsunod ng publiko sa minimum health standards, isolation sa mga nakikitaan ng sintomas, at mahigpit na contact tracing.
Nabatid na magtatagal ang MECQ hanggang August 18, 2020.
Facebook Comments