Manila, Philippines – Aminado ang Department of Tourism na nag-umpisa nang maramdaman ang epekto sa turismo nang ipinalabas na travel advisories laban sa Pilipinas, partikular sa Central Visayas.
Ayon sa DOT – marami nang turista ang nagkansela ng bookings matapos mangyari ang bakbakan ng Abu Sayyaf at Militar sa inabanga, Bohol noong nakalipas na linggo.
Kabilang sa umatras ang may 500 dayuhan mula sa Japan na nagpa-reserba sa isang five star hotel sa Cebu.
Sinabi ni Alejandra Clemente ng Rajah Tours Philippines na hindi bababa sa 30-milyung piso ang maaring gastusin ng naturang grupo sa buong panahon nang kanilang pananatili sa bansa.
Facebook Comments