Epekto ng mining at quarrying activities sa bansa, pinasisilip ng Senado

 

Pinapaimbestigahan ni Senator Risa Hontiveros sa Senado ang epekto sa kapaligiran at sa mga komunidad ang pagmimina at quarrying activities sa bansa.

Sa Senate Resolution 989 na inihain ng mambabatas, inaatasan niya ang angkop na komite sa Senado para magsagawa ng pagsisiyasat ukol sa adverse effects ng mining at quarrying sa mga komunidad at sa ating ecosystem.

Sinabi ni Hontiveros, ang pagkawasak at pagkawala sanhi ng mining at quarrying activities ay nakapanlulumo dahil hindi lang kabuhayan ang nawawala kundi pati na rin ang buhay ng mga kababayan.


Layon aniya ng imbestigasyon na punan ang kakulangan ng batas upang matigil na ang mga trahedyang dulot ng mining at quarrying.

Susuriin din dito ang regulatory framework ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), partikular ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Environmental Management Bureau (EMB) na siyang responsable sa pagbabantay sa mga mining at quarrying operations sa bansa.

Facebook Comments