Malalaman sa susunod na dalawang linggo kung magkakaroon ba ng epekto ang muling pagbabalik ng face-to-face classes sa transmission ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana, hindi naman na maitatanggi ng muling nagkaroon ng mataas na mobility o paggalaw ng mga tao ngayong balik eskwela na ang mga estudyante.
Hindi aniya malayo mangyari na may mahawa kapag nadagdagan ang mga taong naglalabasan na, kaya’t dapat lamang ipagpagtuloy ang mahigpit na pagsunod sa mga safety and health protocols kontra sa sakit.
Gayunpaman, naniniwala rin si Salvana na hindi ibig-sabihin na dahil balik paaralan na ang mga mag-aaral ay tataas ng husto ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Matatandaang, kahapon ay nagsimula na ang unang araw ng in-person classes sa lahat ng paaralan sa buong bansa.