Pinasisiyasat ng Makabayan bloc sa Kamara ang epekto ng pag-aangkat ng galunggong lalo na sa mga maliliit na mangingisda sa bansa.
Mababatid na inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-i-import ng 60,000 metrikong tonelada ng galunggong at mackerel para tugunan ang kakulangan ng lokal na suplay matapos ang epekto ng Bagyong Odette.
Sa House Resolution 2467 ay inaatasan ng mga kongresista ng Makabayan ang House Committee on Agriculture and Food na imbestigahan “in aid of legislation” ang impact ng importasyon ng galunggong sa kabuhayan at economic status ng mga maliliit na mangingisda.
Tinukoy sa panukala na mula 2018 ay mayroon nang “staggering increase” o dahan-dahang pagtaas sa importasyon ng galunggong na matagal nang tinututulan ng mga fisherfolk organization.
Bukod dito, kahit may import ng isda ay hindi rin naman bumaba ang presyo ng galunggong na itinuturing na “poor man’s fish” na ngayon ay nasa P250-P280 ang kada kilo.