Epekto ng pagbabakuna, nararanasan na sa Pilipinas – NTF Against COVID-19

Unti-unti nang nararamdaman sa Pilipinas ang epekto ng programang pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, halimbawa ang San Juan City, kung saan nakapagturok na ng ikalawang dose o mga fully vaccinated sa kanilang 90,000 na populasyon mula sa kabuuang 126,000.

Umabot naman sa 24.8 ang porsyentong nabakunahan sa National Capital Region (NCR) na malapit na sa 50 percent ng populasyon na kailangang mabakunahan sa pagtatapos ng Agosto.


Sa ngayon, umabot na sa 12.4 ang bilang ng mga Pilipinong nakatanggap na ng unang dose sa bansa habang 10.7 ang nakatanggap ng ikalawang dose o yung mga fully vaccinated na.

Facebook Comments