Kailangang sabayan ng iba’t ibang hakbang ng pamahalaan ang ang epekto ng pagbagal ng inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Usec. Rosamarie Edillion na para maramdaman ng publiko ang sinasabing pagbagal ng inflation ay kailangang masabayan ito ng adjustment sa sweldo, mapahusay ang skills ng mga manggagawa, magkaroon ng oportunidad at trabaho, mapababa ang halaga ng pagbubukas ng negosyo, at iba pa.
Aminado naman aniya ang NEDA na marami pang dapat gawin at kailangang maging coordinated ang mga hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan para matugunan ang mga hamon ng inflation rate.
Dagdag pa ni Edillion, nakikita naman nilang bumababa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho batay sa labor force survey.
Giit ng opisyal, nais pa rin matutukan ng pamahalaan ang uri ng trabaho na tumatagal at hindi panandalian lamang.