Epekto ng pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 2, posibleng makita na ngayong linggo – OCTA

Posible pa ring tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dahil sa pagdami ng mga taong lumalabas.

Ayon kay OCTA Research Team fellow Dr. Guido David, maaaring hindi na umabot ng 200 ang maitalang bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kada araw pagsapit ng katapusan ng Nobyembre.

Pero kung magpapabaya ang mga tao, posibleng makitaan ulit ng COVID-19 upward trend ang rehiyon.


“Nakita natin na sobrang daming tao talaga at hindi na nasusunod yung mga minimum public health standards, ang daming bata talaga, hindi pa bakunado… fully concern talaga yan,” ani David.

Samantala, ayon pa sa OCTA, posibleng sa linggong ito ay makita na ang epekto ng pagsasailalim sa NCR sa Alert Level 2.

Facebook Comments