Tuesday, March 31, 2026

Epekto ng serye ng oil price hike, pagmahal ng kuryente at bigas, mararamdaman na sa inflation ngayong Marso – BSP

Posibleng pumalo sa 3.1 hanggang 3.9 percent ang inflation o antas ng pagmahal ng bilihin at serbisyo sa bansa ngayong Marso.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay epekto na ng malakihang oil price hike, mas mahal na bigas, singil sa kuryente, at paghina ng halaga ng piso.

Sa kabila nito, sinabi ng BSP na posibleng makaapekto rin ang inaasahang pagbaba ng presyo ng gulay, isda, at karne para maibsan ang inflation.

Pero kailangan pa rin daw bantayan ang mga pressure na sanhi ng pagtaas ng inflation sa bansa.

Sa ngayon, muling tiniyak ng BSP na patuloy nilang babantayan ang mga datos, lalo na sa inflation at paglago ng ekonomiya, sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa Middle East at epekto nito sa ating ekonomiya.

Nitong Pebrero, pumalo sa 2.4 percent ang inflation, habang nasa 1.8 percent naman noong March 2025.

Facebook Comments