Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng gobyerno ang posibleng maging epekto ng trade war sa pagitan ng Estados Unidos at China sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – ang mga magiging hakbang ng gobyerno hinggil dito ay tatalakayin sa susunod nilang cabinet meeting sa susunod na buwan.
Habang nananatiling “manageable” ang epekto ng trade conflict, gagamiting oportunidad ito ng pamahalaan para mang-akit pa ng investments.
Kahit major trading partners ng Pilipinas ang US at China, hindi nakadepende ang bansa sa mga ito dahil may matatag tayong domestic market.
Facebook Comments