Manila, Philippines – Himihirit ang iba’t-ibang transport group ng dagdag singil sa pamasahe dahil sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa produktong petrolyo.
Ayon kay Obet Martin, presidente ng PASANG MASDA, ihahain ang kanilang petisyon nila sa susunod na linggo ang kanilang petisyon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na gawing 12 pesos na ang pamasahe mula sa 10 piso minimum fare.
Kaugnay nito, umapela rin ang Philippine National Taxi Operators’ Association (PNTOA) na itaas sa 16 pesos ang kada-kilometro ang fare hike sa mga taxi.
Simula kahapon ay nagsimula na ang excise tax sa mga produktong petrolyo, kung saan P2.50 ang ipapataw sa diesel, 7 pesos sa gasolina at piso sa LPG na darating sa bansa.