EPEKTO NG TRAIN LAW | Kongresista, humirit na ibasura ang panukalang dagdag na kontribusyon sa SSS

Manila, Philippines – Ipinababasura ni Anakpawis PL Rep. Ariel Casilao ang panukalang taasan ang kontribusyon sa SSS kasunod ng ipinaptupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Mula sa 11% ay itataas sa 14% ang SSS contribution sa mga miyembro nito.

Giit ni Casilao, dahil sa pahirap na epekto ng bagong tax reform law ay lalo lamang mabibigatan ang mga ordinaryong mamamayan kung pati ang SSS contribution ay dadagdagan din.


Aniya, ang pagtaas ng SSS contribution ay taliwas sa interes at kapakanan ng mga Pilipino na higit na apektado ng TRAIN law dahil sa magtataasan din ng presyo ang ilang mga pangunahing bilihin bunsod ng excise tax sa mga produktong petrolyo at langis.

Pinuna pa ng kongresista na sa halip na pahirapan ang mga nagbabayad ng tamang kontribusyon sa SSS ay dapat na atupagin ng ahensya ang mga kumpanya at indibidwal na hindi nagbabayad ng SSS at bawiin ang mga naglalakihang perks at bonuses ng mga SSS officials.

Samantala, inirekomenda ng kongresista sa SSS na i-suggest sa Pangulo na aprubahan ang 2nd tranche ng dagdag na pension na P1000 para sa mga retiradong SSS members.

Facebook Comments