EPEKTO NG TRAIN LAW | National Anti-Poverty Commission, nanindigan na mas titindi ang kahirapan

Manila, Philippines – Minaliit ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang ipapamahagi ng administrasyong Duterte na Conditional Cash Transfer sa mga mahihirap na tatamaan ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ayon kay NAPC Chairman Liza Maza, hindi lahat ng 29.9 million na lubhang mahihirap sa bansa ay tuwirang makikinabang sa pangakong pantawid ng gobyerno.

Aniya, noon pa sila naninindigan na bagama’t wala nang kakaltasing buwis sa mga income earners, malawak na bilang ng mga maralita ang mahihirapan sa TRAIN Law.


Ang magagawa na lamang ng NAPC sa ngayon ay imonitor ang epekto ng tax reform sa kabuhayan ng mga maralita.

Dito aniya sila hahango ng rekomendasyon nila kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments