EPEKTO NG TRAIN LAW | Positibong pananaw ng ilang negosyante, bumaba

Manila, Philippines – Bumaba ang kompiyansa ng mga negosyante sa unang tatlong buwan ng 2018.

Batay sa Business Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lumitaw na 39.5 percent ang Confidence Index (CI) sa unang tatlong buwan na mas mababa sa naitalang 43.3 percent sa huling tatlong buwan ng 2017.

Ayon kay Rosabel Guerrero, BSP Director for Economic Statistics, isa sa mga dahilan nito ay ang epekto ng TRAIN Law.


Ilang negosyante rin aniya ang naniniwalang tataas pa ang inflation rate pati na ang interes sa mga pautang, bukod pa sa paghina ng piso kontra dolyar.

Gayunman, sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na inaasahang pansamantala lang ang epekto ng TRAIN Law sa inflation rate.

Tiniyak din ng BSP na nananatiling maganda ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
<#m_7721112675930305340_m_8108011206549614128_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments