Manila, Philippines – Asahan nang tataas ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng sardinas sa Abril.
Paliwanag ng Zamboanga Industrial Corporated, paubos na ang kanilang buffer stock noon pang 2016.
Tumaas kasi anila ang operational expenses ng mga canning company dahil sa pagmahal ng coal at imported component sa paggawa ng sardinas bunsod ng TRAIN Law.
Una nang nag-abiso ang Department of Trade and Industry, na taas rin ng 50 centavos hanggang P1.00 ang presyo ng mga de latang produktong gaya ng corned beef, beef loaf at meat loaf.
Facebook Comments