Manila, Philippines – Nag-abiso ang mga distributor ng mga malalaking manufacturer ng sofdrinks na nagtaas ng ang kanilang mga matatamis na inumin dahil sa epekto ng TRAIN Law.
Tumaas na sa 14 hanggang 24% ang price hike sa mga softdrinks kung saan aabot na dalawang piso ang itinaas ng presyo ng kada bote ng 300ml na softdrinks.
Kabilang rin sa mga nagtaas ng presyo ay ang mga sigarilyo na tumaas ng 17 pesos kada pakete sa mga tindahan.
Kung matatandaan sa naging debate sa Kamara at Senado layunin ng pagtaas ng tax sa sofdrinks at sigarilyo ay para mapabuti ang kalusugan ng mga Pilipino.
Facebook Comments