Malaki ang naging epekto ng masamang panahon sa agrikultura sa inflation o bilis ng pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong buwan ng Mayo.
Ito ay matapos pumalo sa 3.9% ang inflation noong nakaraang buwan na pasok pa rin sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 3.7% hanggang 4.5 %.
Ayon sa BSP, inaasahan na nilang bahagyang bibilis ang inflation dahil sa nangyari sa sektor ng agrikultura.
Posible rin anilang makadagdag sa pagbilis ng pagtaas ng presyo ang mas na pamasahe, presyo ng pagkain, singil sa kuryente at presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, sinabi ng BSP na isasama nila ang mga pinakabagong datos sa inflation sa darating na monetary policy meeting sa June 27.
Facebook Comments