Epekto sa ekonomiya ng hindi pag-renew sa prangkisa ng ABS-CBN, ibinabala ng isang senador

Ayon kay Senate President Pro Tempore Senator Ralph Recto, may epekto sa ekonomiya kung hindi mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Recto, malaki ang ambag ng ABS-CBN sa koleksyong buwis ng National Government at sa Local Tax.

Binanggit din ni Recto ang 11,000 mga empleyado ng network na maapektuhan at ang indirect na trabaho na naibibigay nito.


Kaugnay nito ay wala namang nakita si Recto na mabigat na paglabag ng ABS-CBN na maaring maging basehan para hindi ma-renew ang prangkisa nito taliwas sa alegasyon ng Solicitor General.

Nagpahayag din ng suporta si Recto sa Joint Resolution na inihain ni Senate Minority Leader Frank Drilon na humihiling na mapalawig hanggang December 2022 ang prangkisa ng ABS-CBN na mapapaso na ngayong buwan ng Marso.

Facebook Comments