Epekto sa kalusugan ng rotational brownouts, ibinabala ng isang senador

Nababahala si Senator Risa Hontiveros sa posibleng maging epekto sa kalusugan ng rotational brownouts dahil sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon grid.

 

Pahayag ito ni Hontiveros, makaraang magdeklara ng red alert ang National Grid Corporation Of The Philippines o NGCP.

 

Himutok ni Hontiveros, kulang na ang suplay ng tubig at mawawalan pa ng kuryente ngayong tag-init kung saan inaasahan ang iba’t ibang uri ng sakit.


 

Ayon kay Hontiveros, siguradong makakahadlang ito sa maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan ng pamahalaan at magiging pahirap din sa publiko.

 

Kasabay nito ay iginiit ni Hontiveros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa magkakasabay na shut down ng limang power plants.

Facebook Comments