Epekto sa mga magsasaka ng pagbawas o pag-alis ng taripa sa imported na bigas, ikinabahala ng isang kongresista

Pinaghihinay- hinay ni House Committee on Social Services Chairperson at Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara ang gobyerno sa mungkahi ng Department of Finance (DOF) na bawasan o alisin ang taripa na ipinapataw sa imported na bigas.

Sabi ni Vergara, suportado nya ang pagpapatupad ng price ceiling sa bigas pero hindi ang planong kaltas o zero tariff dahil tiyak na makakaapekto ito sa lokal na industriya ng bigas.

Diin ni Vergara, ang taripa mula sa imported na bigas ay pinagkukunan ng pondo na pantulong sa mga magsasaka sa pagpapahusay ng kanilang kasanayan, pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka at marami pang iba na magpapalakas sa produksyon ng bigas.


Paliwanag pa ni Vergara, short term o pansamantalang solusyon lang sa mataas na presyo ng bigas ang pagbabawas ng taripa na sa bandang huli ay tiyak lalatay sa ating mga magsasaka lalo na kung itataon ito sa panahon ng anihan ng palay.

Facebook Comments