EPEKTO SA PAG-AARAL | Mga paaralan sa Albay, nagpatupad na ng double shift sa klase

Manila, Philippines – Nagpapatupad na ng double shift sa klase ang ilang paaralan sa Albay.

Ayon kay Dept. of Education Regional Director Ramon Fiel Abcede, isa lang ito sa ginagawang paraan ng DepEd region 5 para maiwasan ang malaking epekto sa pag-aaral ng mga estudyante dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Aniya, nasa 33 paaralan ang ginagamit bilang evacuation center sa nasabing lalawigan.


Kasabay nito, hinikayat ng DepEd ang lokal na pamahalaan ng lalawigan na magpatayo ng alternatibong evacuation center para masigurong magpapatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit na may kalamidad.

Facebook Comments