Epekto sa suplay ng kuryente sa Bicol Region at Eastern Visayas na posibleng tamaan ng Bagyong ‘Opong’ binabantayan na rin ng DOE

Patuloy ang koordinasyon ng Department of Energy (DOE) sa National Irrigation Administration (NIA), National Power Corporation (NPC), Department of the Interior and Local Government (DILG), at mga local government unit.

Ito’y bilang paghahanda naman sa epekto ng Bagyong Opong at posibilidad na maapektuhan ang mga transmission lines at linya ng komunikasyon.

Ayon sa Energy Department, bagama’t naibalik na at naayos na ang transmission lines ay mayroon na namang panibagong bagyo na kanila ring binabantayan.

Sa monitoring ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA), posibleng tamaan o mag-land fall ang bagyo sa Bicol Region at maramdaman ang epekto sa Eastern Visayas at North Eastern Mindanao.

Samantala, ang inisyatibang ito ay kasunod pa rin ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking may tuloy-tuloy na kuryente ang mga ospital, water system, at evacuation centers sa mga maapektuhang lugar.

Kung kaya agad na inatasan ng DOE ang mga power plant operator at ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na pabilisin ang power restoration nitong nagdaang bagyo.

Facebook Comments