EPIC FAIL? | Disposal ng murang bigas, band aid solution ayon sa Bantay bigas

Manila, Philippines – Tinawag na band aid solution ng Bantay Bigas ang disposal ng murang bigas galing sa mga rice traders sa Nueva Ecija at Isabela.

Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng grupo, mula nang ilunsad ang tulong sa bayan program ng Department of Agriculture (DA), mangilan-ngilan lamang retailers sa QC ang nagbebenta ng 39 pesos na commercial rice.

Halimbawa nito, sa Nepa Q. Mart, dalawang retailers lamang ang nagbebenta ng naturang murang bigas.


Dahil cash on delivery ang pagbabayad, limang kaban lamang per week ang naide-deliver.

Bunsod nito, hanggang tatlong kilo lamang ang nabibili ng mga consumers dahil sa limitadong stock.

Maituturing aniyang epic fail ang programa dahil tiyak na mawawala din sa mga merkado ang naturang murang bigas.

Sa katunayan, idinagdag ni Estavillo na pabor pa nga sa traders ang ginagawa ng DA dahil napapabilis pa nga ang disposal ng kanilang imbak na bigas.

Facebook Comments