Epicenter ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, Inoobserbahan

Cauayan City, Isabela- Patuloy na binabantayan at inoobserbahan ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya ang kalagayan ng bayan ng Solano dahil sa patuloy na pagdami at pagtaas ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa nasabing bayan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Governor Carlos Padilla, kanyang sinabi na ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ay ang bayan ng Solano na binansagang epicenter ng virus dahil sa pagkakaroon ng Community Transmission.

Batay sa inilabas na datos ng DOH 2 as of September 16, 2020, mayroon nang 202 na total confirmed cases ang Solano at 124 dito ang aktibong kaso.


Mayroon namang 74 na recovered cases habang nasa apat (4) ang naitalang namatay.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang publiko na hanggat maaari ay huwag munang magtungo sa bayan ng Solano lalo na sa mga mamamalengke.

Kung wala naman aniyang importanteng gagawin sa bayan ng Solano ay huwag nang tumuloy upang hindi mahawaan ng virus.

Sa kabuuan, mayroon nang 329 na total confirmed cases ang Nueva Vizcaya, 211 dito ang total active cases, 108 ang total recovered cases at 10 ang total deaths.

Facebook Comments