Epidemya sa tuberculosis mararanasan ng pilipinas sa susunod na 6-na buwan ayon sa isang DOH health expert

Nagbabala ang isang DOH health expert na gaya nang nangyaring problema sa tigdas , maaring bumulaga rin

ang epidemya  ng tuberculosis sa bansa sa susunod na anim na buwan.

 

Ang warning ay ginawa ni Dr. Willie Ong  dahil batay aniya sa ipinakikitang mga senyales ay papataas ang bilang ng mga pinoy na maysakit na tb at ayaw lumantad.


 

Sa ginanap na pag-endorso ng Anak Kalusugan partylist na tumututok sa kalagayan ng kalusugan ng mamamayang pilipino sinabi ni Dr. Ong na lumolobo ang bilang ng mayroong tb sa Pilipinas dahil ayaw magpagamot, walang sapat na gamot at dahil mahal ang gamot.

 

Batay aniya sa rekord mismo ng World Health Organization na inilabas nitong nakalipas na linggo, pangatlo na ang pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng tuberculosis sa buong mundo.

 

Isang milyon aniya ang may active tuberculosis sa pilipinas.

 

Habang kailangang hanapin ang 2.5 milyong pinoy at isailalim sa molecular diagnostic para malaman kung nagtataglay na sila ng strain ng nabanggit na sakit.

 

Ayon naman kay Mike defensor ng anak kalusugan partylist, hindi lumilikha ng panic ang kanilang hanay at maging si Dr. Ong bagkus ay magandang paraan aniya ito para umpisahan na ang pagtutulungan ng lahat ng sektor.

 

Sabi ni Defensor, huwag na aniyang antayin pang mabigla ang lahat laluna ang gubyerno gaya ng nangyari sa epidemya ng measles.

 

Paliwanag ni Dr. Ong, mahalagang gisingin ang publiko sa pamamagitan ng tamang mensahe dahil isa itong mabisang paraan para maiiwas sila sa nakaambang peligro.

Facebook Comments