Episodes ng DepEd TV, isasalin din sa mga dayalekto

Plano ng Department of Education (DepEd) na isalin sa mga pangunahing dayalekto ang mga episode ng DepEd TV para matulungan ang mga estudyante saanmang bahagi ng bansa na mas maintindihan ang television-based learning.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pascua, gagawa sila ng episodes para sa mga pupils mula Kinder hanggang Grade 3 gamit ang major dialects ng bansa para sa epektibong pagtuturo.

Bukod dito, ang lahat ng TV episodes ay magkakaroon ng Filipino Sign Language para sa mga may kapansanan sa pandinig.


Eere ang Deped TV mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi mula Lunes hanggang Sabado.

Bawat episode ay magkakaroon ng 20 minutes na lecture at limang minutong pahinga sa kada episode.

Ilulunsad ang DepEd TV sa October 5 kung saan ipapalabas ang 130 episodes para sa major subject areas.

Target din ng kagawaran na paabutin ng hanggang 220 episodes kada linggo ang kanilang magagawa sakop ang lahat ng subject areas.

Facebook Comments