Handa na magbigay ng serbisyo ang itinayong pansamantalang Emergency Quarantine Facilities o EQF ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Makati.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang nasabing EQF ay nasa Pembo Elementary School at sa parking area ng Ospital ng Makati o OsMak para sa mga residente nito na kabilang sa suspected cases.
Aniya, ang bawat pasilidad ay gawa sa wooden frames at polyethylene sheets na may 15 na kama, sanitation at disinfection areas, isang testing box at nurse lounge.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang alkalde sa Muling pinasalamatan ni WTA Architecture and Design Studio sa pagtulong nito upang maitayo ang karagdagang mga pasilidad sa lungsod para sa pangangalaga ng mga pasyente ng COVID-19.
Samantala, ang Makati City ay meron ng 276 confirmed cases ng COVID-19, 31 na ang mga nasawi at 59 naman ang mga gumaling na.
Nasa 197 ang bilang ng suspected cases, 60 naman bilang ng probable cases at 251 naman na mga individual ang persons under monitoring (PUMs).