Equity Subsidy para sa mga operator na makiisa sa PUV Modernization Program, dinoble ng DOTr

Dinoble na ng Department of Transportation (DOTr) ang Equity Subsidy na ipinagkakaloob sa mga operator na lumalahok sa Public Utility Vehicles Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Katunayan, nilagdaan na ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang inamyendahang probisyon sa Department Order 2018-016.

Layon ng kalihim na matugunan ang kakayahang magkaroon ng modernong PUV Units ang mga driver at operators na sasali sa PUVMP.


Mula ₱80,000, itataas na hanggang ₱160,000 ang subsidy equity sa bawat PUV unit.

Nilinaw rin ni Tugade na kasama sa Equity Subsidy increase ang may application mula July 31, 2018.

Retroactive aniya ito na ang ibig sabihin, kahit na nakakuha na ng nakaraang halaga, makukuha pa rin ng driver o operator ang balanse.

Facebook Comments