Pansamantalang sarado ang Emergency Room (ER) ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC ) sa Maynila.
Sa anunsyo ng Manila Public Information Office (PIO), nakasaad na sarado ang ER ng GABMMC hanggang alas-8:00 bukas, March 23.
Ito ay para sa gagawing terminal cleaning at disinfection ng ER.
Kasunod ito ng isang hinihinalang Meningococcemia case kung saan nasawi ang pasyente sa nasabing ospital.
Facebook Comments