
Kinumpirma ng Ospital ng Maynila na nakakaranas na ng overcapacity ang kanilang Emergency Room.
Ayon sa pamunuan ng Ospital ng Maynila, wala nang pwesto para sa mga darating pang mga pasyente.
Sabi ni Dr. Grace Padilla, officer in charge ng OSMA, ito ay dahil sa pagdami ng mga dinadalang pasyente sa kanila na tinamaan ng leptospirosis.
Sa ngayon kasi ay nasa 34 apat na ang mga pasyente sa ER pero 20 lamang ang kapasidad nito.
Sa pinakahuling tala ng ospital, 66 ang kabuuang kaso ng leptospirosis dinala kung saan 11 ang bagong kaso, 27 ang na-discharge na at pito ang binawian ng buhay.
Bukas naman daw tumanggap ng mga pasyente ang iba pang pampublikong pagamutan na pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila gaya ng Sta. Ana Hospital.
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng OSMA habang tiniyak ni Padilla na magpapatuloy naman ang lahat ng serbisyo ng ospital.









