Thursday, January 15, 2026

ER ng Ospital ng Sampaloc, pansamantalang isasara

Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Maynila na pansamantalang isasara ang Emergency Room (ER) ng Ospital ng Sampaloc.

Ito ay upang maumpisahan na ang pagsasaayos sa ospital na unang plano ng Manila local government unit (LGU).

Mananatili naman ang Out-Patient Department (OPD) na magbibigay ng serbisyong pangkalusugan ngunit sa limitadong kapasidad.

Nabatid na ang hakbang ay para mas mapabuti, maging maaliwalas at, higit sa lahat, mas maging ligtas para sa mga pasyenteng tinatanggap ng Ospital ng Sampaloc.

Humihingi ng pang-unawa at pasensya ang pamunuan ng ospital at lokal na pamahalaan sa abalang maidudulot ng pagsasaayos.

Inaabisuhan ang lahat na manatiling nakaantabay sa official Facebook page ng Ospital ng Sampaloc para sa mga susunod na anunsyo kaugnay ng ER renovation.

Facebook Comments