ER ng PGH, lumagpas na sa maximum capacity

Lumagpas na sa maximum capcity ang bilang ng mga pasyenteng naka-admit ngayon sa emergency room ng Philippine General Hospital.

Ayon kay PGH Director Gerardo Legaspi, nasa 70 na pasyente lamang ang maaaring i-admit sa ER ng PGH, pero batay sa kanilang pinakahuling datos ay umabot 202 ang nasa ER beds, habang 40 ang naka-respirator.

Dagdag pa ni Legaspi, nagpapatupad na ng emergency severity score system ang ospital upang matiyak na agad na mabibigyan ng atensyong medikal ang mga pasyenteng pinakanangangailangan.


Kung nag-aagaw buhay aniya ang pasyente, ito ay ilalagay sa ES1 sa loob ng isa hanggang dalawang oras, kahit gaano kapuno ang ospital.

Ang mga pasyenteng nasa ES3 naman tulad ng may mga bali sa buto, sugat ay mabibigyang atensyon sa loob ng anim na oras.

Habang ang mga pasyenteng nasa ES4 at 5 o ang may ubo, sipon, at sakit sa tiyan ay medyo matatagalan ang paghihintay.

Kailangan din aniyang dumaan sa triage ang mga pasyente batay sa kalubhaan ng emergency upang matiyak ang tamang pangangalaga.

Samantala, sa kasalukuyan, ay nasa 1:20 o Isang nurse sa kada 20 pasyente ang ratio ng PGH.

Facebook Comments