Sa pagdinig ng house committee on legislative franchises ay kinastigo ni coopnatcco Party-list Representative Felimon Espares ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) 2.
Ito ay mataps aminin ng DOE at ERC na hindi siguradong may madaliang access sa transmission grid ang mga power generation companies dahil wala silang kontrol sa pagpili ng mga ito ng lokasyon.
Sa pagdinig ay ipinaliwanag ni Energy Undersecretary Sharon Garin na trabaho lang ng DOE na aprubahan ang proyekto pero ang may-ari na ng power plant ang magpapasya kung saan itatayo ang planta.
Giit ni Espares, dapat magtulungan ang DOE at ERC para masolusyunan ito dahil mainam na konektado o naka-ugnay ang mga power generators sa transmission grid para makatulong sa pagpapatatag ng suplay ng kuryente sa bansa.
Inirekomenda naman ni APEC Party-list Representative Sergio Dagooc sa ERC na tingnan ang embedded generation na direktang nakakonekta sa distribution utilities at hindi sa transmission grid.
Samantala sa hearing ay sinabi naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nakumpleto na nito ang 548 system impact studies at halos kalahati nito ay naisumite na nila noong 2023 hanggang 2024.