ERC chair, pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman

Sinuspinde ng anim na buwan ng Office of the Ombudsman si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Atty. Monalisa Dimalanta.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms (NASECORE) sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Pete Ilagan.

Mga kasong grave abuse of authority, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial at the best interest of the service ang isinampa laban sa ERC chair.


Sa inilabas na resolution ni Ombudsman Samuel Martires, nakitaan ng matibay na batayan ang kaso laban kay Dimalanta na posibleng ikatanggal sa puwesto ng opisyal.

Layon ng preventive suspension na mapigilan si Dimalanta na makagawa pa ng kamalian sa kaniyang opisina.

Nag-ugat ang reklamo matapos na hayaang umano ng ERC ang Meralco na bumili ng kuryente sa WESM nang walang approval ng komisyon.

Batay ito sa inilabas na resolution 10 series of 2021 ng ERC.

Facebook Comments