ERC Chairman Jose Vicente Salazar, kinasuhan na sa Ombudsman

Manila, Philippines – Naghainna ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang National Bureau of Investigation(NBI) laban kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose VicenteSalazar at tatlong iba pa dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng AudiovisualPresentation (AVP) project.
 
Sinampahan si Salazar ngkasong paglabag sa section 3(e) ng anti-graft and corrupt practices act atsection 65 ng government procurement reform act.
 
Haharap din sa parehongkaso sina Atty. Prescia Vanessa Reynante-Reynoso mula sa ERC Legal Division,ERC Planning and Information Service officer-in-charge Teofilo Arbalate Jr. atLuis Morelos, nagmamay-Ari Fatfree Inc.
 
Una nang nag-ugat angmga kaso sa mga ito sa iniwang suicide note ni ERC Director Francisco JoseVilla Jr. na kinuha ni Salazar ang AVP project sa pamamagitan ng “riggedselection system.”

Facebook Comments