ERC, inatasan ang Meralco na ibalik P13.9-B sa kanilang mga customer

Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na ibalik ang P13.88 billion sa kanilang customers sa loob ng 24 na buwan.

Ayon kay ERC Chairman at CEO Agnes Devanadera, inaprubahan ng komisyon ang pagkakaloob sa Meralco ng provisional authority para mapakinabangan na ng mga customer ang benepisyo ng refund at para makapagbigay ng kaluwagan sa mga customer sa gitna ng pandemya.

Inatasan din ng ERC ang Meralco na ilagay ang refund sa hiwalay na line item sa mga bill ng mga customer.


Una nang ipinag-utos ng ERC sa Meralco na ibalik ang sobra-sobrang nasingil ng kompanya sa kanilang mga customer noong 2020.

Facebook Comments