ERC, magsasagawa ng public hearing sa power rate hike ng Small Power Utilities Group

Magsasagawa ng pagdinig ang Energy Regulatory Commission (ERC) kaugnay sa petisyon ng National Power Corporation.

Ito ay may kaugnayan sa hirit na Subsidized Approved Generation Rates para sa Small Power Utilities Group areas.

Kabilang na rito ang Mindoro, Marinduque, Palawan, Catanduanes, Masbate, Romblon, Tablas, Camotes, Siquijor, Bantayan, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, at iba pa.


Ayon sa ERC, sisimulan ang pagdinig sa Marso hanggang Oktubre ng taong ito.

Facebook Comments